Dear @EatBulaga cc @malouchoafagar ‪#‎ALDUB39thWeeksary‬

mik

Dear Eat Bulaga,

Napapansin namin na madalas ay babad sa ilalim ng araw si Maine Mendoza (at ang kanyang mga katrabaho, co-host, pati ang crew) habang nagho-host ng All for Juan/Juan for All segment ng Eat Bulaga. Alam naming hangad ninyong mabigyan kami ng entertainment pero umaasa rin kaming mga masugid na manonood at tagasuporta ng inyong show, lalo na ng ALDUB/MAICHARD na napapangalagaan at naisasaalang-alang ang kapakanan hindi lamang nina Maine Mendoza at Alden Richards kundi ng mga katrabaho nila–mga co-host at mga kasamang crew sa labas ng Broadway.

Kahapon, naitala ang pinakamataas na heat index na 52.3 degrees celcius sa Canabatuan (hindi ko alam kung ano ang heat index sa Caloocan kahapon). Nitong nakaraang buwan lamang ay nag-isyu ng babala ang Kagawaran ng Kalusugan ukol sa mga implikasyong pangkalusugang maaaring idulot ng pagkababad (exposure) sa init. Ang heat stroke ay isa lamang sa mga maaaring mangyari sa o maranasan ng taong sobrang nabilad sa ilalim ng araw. (http://www.philstar.com/headlines/2014/03/31/1307110/doh-warns-health-hazards-summer)

Kung maaari, mas maiging manatili sa malilim na lugar si Maine at ang kanyang mga co-host at mga kasamang crew ng Eat Bulaga habang nagtatrabaho, sa halip na nagpo-production number, halimbawa, sa ilalim ng direktang sikat nga araw. Kung inyong mamarapatin, lalong maigi kung sa Broadway muna mag-host/magtrabaho sina Maine at ang kanyang mga kasamahan, kapwa-artista man o crew.

Sa bandang huli, kung hindi malusog ang mga nagtatrabaho sa inyong poder, nasaan ang saya sa entertaiment na inihahatid ninyo sa aming mga manonood? Mas malulubos ang aming kasiyahan at mapapanatag ang aming loob kung ang mga artistang sinusubaybayan namin (pati na ang mga maliliit na taong nagtatrabaho para mapaganda ang inyong show) ay ligtas mula sa mapinsalang epekto ng tag-init at El Nino.

Gumagalang,
Mik – Avid fan ng ALDUB

Leave a comment