Kay Ginoong Rich Ilustre, Direktor ng Sunday PINASaya

tfs

Huling post ko ito ngayong gabi bago ako mag-signoff (dahil isasampay ko pa ang mga nilabhan ko at maghahain pa ako ng hapunan).

Ginoong Ilustre:

Magiging tapat ako sa iyo. Sa ngayon, hindi ko kayang pagtiwalaan ang paghingi mo ng tawad. Ipaliliwanag ko kung bakit.

Kaming mga nandito sa ALDUB Nation, ang mga ALDUBriela, mga Barako, Lakambini, ALDUB Protectors, ALDUB Hydra, atbpang maliliit at malalaking grupo ay tulung-tulong, bagamat hirap na hirap sa paglipol sa mga bashers, bastos, manyak, walang modo, atbpa sa Twitter na walang-habas na nililibak ang aming paboritong artista, ang aming cultural icon na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nang itatag namin ang ALDUBriela, nangako kaming sa anumang legal na paraan at sa kaninuman, aming ididepensa si Maine Mendoza at ang ALDUB Nation. Sa pamamagitan ng aming organisadong pagkilos at ng pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa cyber-bullying at internet harrassment, sinisikap naming maipaabot sa mas maraming tao ang kahalagahan ng responsableng paggamit ng social media.

Pero ano itong larawan na lumitaw–ang aso mong si Maxim naka-costume bilang ‘Yaya Dub’–ano ‘yan? Alam mo bang yan ang pinaka notoryus na larawang ginagamit ng mga bashers pambabastos at pang-aabuso sa social media? Nakakadismaya (at nakakapanggalaiti) na sa iyo pa pala nagmula ang larawang iyan?

Malinaw na ginawa mong joke o katuwaan ang imahen ni Yaya Dub at ng mga kasambahay sa pamamagitan ng pagbibihis ng iconic na costume nito sa iyong alagang aso. ALDOG? Tsk tsk.

Mahirap ibalik ang tiwala, Ginoong Ilustre. Tila wala kang pakialam. At wala kang respeto.

-TFS

One thought on “Kay Ginoong Rich Ilustre, Direktor ng Sunday PINASaya

  1. Pingback: G. Ilustre, Hindi Kami mga Bobo at Tanga, Pero Hindi rin Matigas ang Puso Namin | The Filipino Spectator

Leave a comment