G. Ilustre, Hindi Kami mga Bobo at Tanga, Pero Hindi rin Matigas ang Puso Namin

Gumawa ka ng gulo G. Rich Ilustre. Oo, ikaw na direktor ng isa sa mga paborito kong palabas. Oo, G. Ilustre, lumikha ka ng gulo. Pinagsabong mo ang mga fans sa pamamagitan ng (di-tuwirang) pang-iinsulto kay Maine Mendoza at sa mga kasambahay. Lumikha ka ng isang bagay na ginagamit ngayon ng mga basher at abuso para libakin si Maine Mendoza at ang mga tagahanga niya. At ano ang iyong paliwanag? Narito:

rich ilustre-half asleep1

rich ilustre-half asleep2
Ang mga screenshots na ito ay mula sa Twitter ni Allan Diones.

Joke? Half-asleep ka nang ginawa mo iyon G. Ilustre?

Hindi kami mga bobo at tanga. Sa lahat ng ayoko, yung ginagawa akong bobo at tanga.

Pero sino ba naman kami para hindi magpatawad? Tinatanggap namin ang paumanhin mo bagamat hindi ka pa humihingi ng dispensa sa mga kasambahay at kay Maine Mendoza. Binasa namin ang paliwanag mo kahit hindi mo ito sa amin direktang itinugon at sa halip ay ipinadaan mo lamang kay Allan Diones.

Uusad (move on) kami mula sa gusot na ginawa mo pero hindi namin kalilimutang dahil sa iyong ireponsibilidad at kawalan ng foresight sa maaaring maging implikasyon ng mga ikinilos mo, e pinagsabong mo ang mga fans, ininsulto mo hindi lamang si Maine kundi ang mga kasambahay, at higit sa lahat, gumawa ka ng isang bagay na lubos na ginagamit ng mga mapang-abuso para libakin si Maine at ang ALDUB Nation.

Mag mo-move on ako mula sa gusot na nilikha mo, G. Rich Ilustre, direktor ng SPS, nang may pagsasaalang-alang sa responsableng paggamit ng socia media at impluwensya. Hindi dapat kalimutan ang ginawa mo. Hindi ako magmo-move on para lang makapag-move on.

Sa mga kapwa ko tagahanga ng ALDUB–good vibes ang gusto ninyo? Alalahanin sana natin na habang pa-good vibes good vibes tayo, may mga fans na piniling gawin ang ayaw gawin ng marami–ang humarap sa mga basher, abuso, at malalaking tao para lamang maidepensa at manatiling disente ang imahen ng ALDUB at ALDUB Nation.

2 thoughts on “G. Ilustre, Hindi Kami mga Bobo at Tanga, Pero Hindi rin Matigas ang Puso Namin

  1. maine's fan

    After Maine’s appearance this coming Sunday, I will stop watching Sunday Pinasaya. Wala na akong paki kung nandon si Alden. Ang sa kn lang, masyadong minaliit ng director na ito ang AldubNation. After answering the question with a simple “yup”, he did tweet other people saying na “hayaan mo sila” etc. It didn’t seem like he was half asleep at all. Kabalastugan ang explanation niya. Either that or he thinks na mabibilog tayo nyan. In short, ang baba ng tingin niya sa Aldub Nation, gaya ng tingin niya kay Maine Mendoza na napatunayan naman sa likes niya at the picture ng aso niya. Wala siyang respeto sa atin na nagpapatrend ng show niya at nagpapataas ng ratings. Continue watching his show will only validate na mga anga anga nga tayo at uto uto and we don’t deserve respect. So sorry, but I will stop supporting the show.

    Liked by 1 person

  2. ok na sana ung HAPISLIP reasoning nya kaso merong follow-up na “hayaan mo cla . . . ganito naman talaga (and something) meaning, gising ang diwa nya dat time nang mag respond cya sa tweets against Meng . . . kung ok lang makiayon sa bashing mas ok na magreact ng nega ang aldubarkads sa kay ilustre . . . d talaga aq nanonood ng buong sps sa tv ung portion lang kasama si alden sa youtube watch ko kc CORNY naman sa totoo lang ang show ng SPS corny ka ilustre (sana mabasa mo eto) CORN yata ang binebenta nyo sa show ah sana d na lang binago pa ng GMA ang dating show bago ung sa inyo . . . makarating sana kay ilustre sentiments ng mga nasaktan nya

    Like

Leave a comment