Maine Mendoza and Precarity

dearmeng-tfs

Dama namin ang anxiety na dulot ng kawalang-kasiguruhan at kawalang-pagpipilian. Dama yan ng maraming kabataang hindi pinalad na makatapos ng pag-aaral at ng mga kabataang nakatapos nga ay wala namang mapasukang trabaho. Marami sa mga kabataan ngayon kundi unemployed ay underemployed–napipilitang tumanggap ng trabahong hindi akma sa kanilang tinatapos na kurso, sa kanilang expertise, dahil sabi nila, “wag daw choosy.”

Kaya naman ang iyong kwento ay larawan ng precarity na siyang karaniwan at kapansin-pansin sa henerasyong ito. Oo’t nagmula ka sa relatibong pribilehiyadong pamilya–panggitnang-uri (o pambansang burgesya?) kung tawagin, pero hindi ito agad nangangahulugang ligtas sa epekto ng kasalukuyan krisis pang-ekonomya’t panlipunan. Kaya kung matatandaan mo (o ng bumabasa nito), ipinaglaban at ikinampanya namin sa social media na mabigyan ka ng mas maraming proyektong nararapat sa iyong galing at talento, ipinaglaban at ikinampanya naming magkaroon ka ng kasiguruhan sa trabaho, sa industriyang napili mong pasukin.

At ngayon, pagkatapos ng kulang-kulang anim na buwan, ikaw–ang iyong husay, talino, talento, at inspirasyon–ay kuminang nang husto at tanging mga bulag (o ang mga nagbubulag-bulagan) ang hindi makakapansin nito.

Tao kang tulad namin–nangangarap, nabibigo, nagmamahal, nasasaktan. Hindi ka nahihiyang ipakita sa amin ang amin/ating kolektibong karanasan. Kung hindi simplipikasyon, maaaring ikaw ang hyperbole ng aming mga kalabisan at kakulangan. Sa huli, ikaw ay si Meng na sa kabila ng karangyaan at kasikatan ay nanatiling simple.

Hindi mo kailangang maging perpekto, Meng. Tulad ni Ate Guy, kahit ano pang award ang ibigay sa ‘yo, ikaw ay lilibakin, pagtatawanan, at pagtataasan ng kilay. Pero ito ang tiyak–hindi kami mawawala at patuloy kang gagaling sa pinili mong sining.

@thefilipinospec

A Picture Paints A Thousand Words: Subverting the Arbitrarily Pejorative ‘ALDOG’

Since Sunday PINASaya director has not yet removed the “Yaya Dog” photos from his Twitter account, it is definitely not going to be easy to do this task: to subvert the prevailing definition of ALDOG. What does this word mean? Those who coined this term define it as “mga retarded fans ng ALDUB na walang modo at pakalat-kalat sa page ng ibang network. Mga bastos at asal-kalye. Matitindi ang sakit sa pag-iisip.” By the way it sounds, the term ALDOG is obviously meant to hurt and demean ALDUB and most especially those who support the phenomenal love team. Even if Rich Ilustre is associated with a TV program whose popularity is often attributed to both the presence of Alden Richards and the overwhelming support of the ALDUB fans, the Yaya Dog photo would still sadly signify the arbitrarily degrading label “ALDOG” and he will probably seem like he is one of those who unabashedly (or discreetly) mock and bastardize the ALDUB brand, phenomenon, and icon.

When the term “ALDOG” initially became so notorious on social media, there had been an attempt to subvert not its meaning but its emotional effect on the receiver (reader/listener), at the very least. This attempt comes from the popular Twitter page @katolikongpinoy. They came up with this meme, retweeted by at least a couple of ALDUB-affiliated accounts:

aldog-katalokingpinoy
A meme created by @katolikongpinoy to hopefully reverse the negative emotional effect of ALDOG (source)

The meme shows photos of Alden Richards and Maine Mendoza with their respective pet dogs. Both stars are known for being dog lovers. It also includes the text “#ALDOG: We get high in good vibes everytime they call us that.” Twitter user @katolikongpinoy should be commended for taking the initiative. This picture was retweeted by @ImTidora on 27 September 2015.

The Yaya Dog photo, on the other hand, was posted on 30 October 2015. It was said that the dog was dressed to look like Yaya Dub (the female protagonist in Eat Bulaga’s KalyeSerye), in time for the Halloween event and pet costume competition organized by PAWS. Though Sunday PINASaya director Rich Ilustre most probably did not have any malicious intent when he published the photos in his Twitter page, didn’t he have foresight? As someone who works in a visually oriented, myth-making industry, he should have foreseen how such photo, such depiction of Yaya Dub can be perceived and interpreted by fans, both pro and anti-ALDUB.

The PR horror Rich Ilustre created definitely begs some questions now: How can we lessen the damaging impact of the term ALDOG on the wholesome image of ALDUB and the ALDUB Nation? By simply ignoring the issue and waiting for it to die down? Or should we take the higher road and try to subvert its meaning? So how do we–the fans, the masses–further and effectively subvert the ALDOG image and its meaning? If the internet is an archaeological site, how do we want the future generation to understand and define ALDOG?

To be continued…

A Picture Paints A Thousand Words, One of Them is the Derogatory ‘ALDOG’

Unfortunately, the photograph which was supposed to be cute, the photo which Sunday PINASaya director Rich Ilustre posted on his Twitter page on 30 October 2015, painted perhaps the most pejorative word anti-ALDUB camps can ever come up with–ALDOG.

ALDOG is the name created and used by many non-ALDUB fans (or Brand X fans) to mock and harass the iconic TV character Yaya Dub, the showbiz breakout star who made this character famous Maine Mendoza, and her supporters collectively known as the ALDUB Nation. Rich Ilustre probably had the best intentions in posting the picture of a dog wearing a Yaya Dub-inspired costume for a PAWS Halloween event, but that will not prevent bashers from using it to further ridicule ALDUB and its fans. I’m afraid it will only encourage notorious  bashers  to continue posting derogatory remarks and memes against ALDUB and their supporters on social media. It will fuel the already burning cyber bullying and internet harassment incidents perpetrated by anti-ALDUB fans. The photo is so ambiguous that it can be easily interpreted in both helpful and harmful ways which Rich Ilustre should have foreseen. It can be so potentially damaging to the brand (ALDUB) insofar as maintaining a positive and favorable (and not to mention, profitable) public image is concerned.

aldog
An “ALDOG” meme created by some Brand X loyalists (source)

In terms of brand and PR management, Rich Ilustre clearly caused a mess.

Unless Rich Ilustre deletes the aforementioned photo, it will become even more difficult for ALDUB defenders like ALDUBriela, ALDUB Protectors, ALDUB Hydra, and other groups with a similar mission, to comprehensively inspire the termination of cyber bullying and online harassment against ALDUB. It will also most probably make it a bit difficult now to successfully launch ALDUB, particularly Maine Mendoza, as a cultural icon. Why? That’s because the photo carries a very loaded meaning. In the context of art and politics in the Philippines, for instance, the image of dogs is used to satirize politicians and depict their servility to neoliberal economic and political superpower. In current Philippine showbiz, the image of dogs is used, unfortunately, to pertain to what Brand X loyalists call as “retarded fans ng ALDUB.” Rich Ilustre practically made it so easy for the bashers to download a photo that they can use as a meme that degrades the ALDUB brand.

In the essay Media Brands and Consumer Experiences by Calder and Malthouse (2008), it is said: “The brand is the concept the marketer wants the consumer to have of the way the consumer should experience the product.” By posting the Yaya Dog photo on his Twitter account, how does Rich Ilustre, being an ALDUB benefactor and beneficiary, want the consumer to experience ALDUB? Upon viewing the Yaya Dog photo, how does the ALDUB consumer experience ALDUB? And what about the Brand X consumer–how does he/she experience ALDUB?

To be continued…

 

Sa Direktor ng SPS na si Rich Ilustre, Pakilinis po ang Kalat na Nilikha N’yo

tfs to ilustre

Magandang umaga sa direktor ng Sunday PINASaya na si G. Rich Ilustre:

Maigi naman at nagpaumanhin ka na bagamat hindi ka pa humihingi ng dispensa sa mga kasambahay na “half asleep” mong nilibak. Tinatanggap namin ang iyong dispensa pero may ilang mahahalagang bagay na dapat mong maunawaan at tugunan.

Dapat maunawaan mo na isang PR horror itong nilikha mo–kalat na kailangan mong linisin. Mariin kong iminumungkahi na linisin mo ang kalat na ito sa pamamagitan ng permanenteng pagtatanggal sa larawan ng aso mong si Maxim na nakabihis-Yaya Dub. Ang mga larawan at tweet na tinutukoy ko ay yung pinaskil mo sa iyong Twitter page noong ika-30 ng Oktubre 2015. Maaaring hindi marumi ang intensyon mo nang magdesisyon kang isapubliko ang mga larawang ito pero dapat ay agad mong naisip na ang mismong mga larawang ito ay lilikha ng di kaaya-ayang interpretasyon at pagtanggap lalo na sa mga tagahanga ng kabilang kampo, ng mga netizens na ang layunin ay libakin, siraan, at i-harass si Maine Mendoza at ang mga ALDUB fans. Ang mga larawang ito, sa katunayan, ay ginagamit na ngayon ng mga pinakanotoryus na basher sa social media para gawing katawa-katawa ang imahen ng iconic TV character na Yaya Dub, ang artistang gumaganap dito na si Maine Mendoza, at ang kanyang mga tagahanga. Nire-retweet nila ang larawang pinaskil mo at pinapangalanang #ALDOG. Kung hindi mo nalalaman, ang #ALDOG ay pejorative na terminong nilikha ng mga anti-ALDUB fans para siraan ang ALDUB at ang ALDUB Nation.

Bilang propesyonal na nagtatrabaho sa mainstream media, dapat ay naisaaalang-alang mo ito noon pa man, bago pa nangyari ang gusot na nilikha mo.

Uulitin ko, umaasa kaming sa lalong madaling panahon ay permanente mong tatanggalin ang nasabing larawan. Maliit na hakbang ito, kung tutuusin, pero malaking tulong ito sa amin sa layuning lutasin ang cyber bullying at internet harassment na talamak ngayon.

Maraming salamat.

@thefilipinospec

rich ilustre-remove

G. Ilustre, Hindi Kami mga Bobo at Tanga, Pero Hindi rin Matigas ang Puso Namin

Gumawa ka ng gulo G. Rich Ilustre. Oo, ikaw na direktor ng isa sa mga paborito kong palabas. Oo, G. Ilustre, lumikha ka ng gulo. Pinagsabong mo ang mga fans sa pamamagitan ng (di-tuwirang) pang-iinsulto kay Maine Mendoza at sa mga kasambahay. Lumikha ka ng isang bagay na ginagamit ngayon ng mga basher at abuso para libakin si Maine Mendoza at ang mga tagahanga niya. At ano ang iyong paliwanag? Narito:

rich ilustre-half asleep1

rich ilustre-half asleep2
Ang mga screenshots na ito ay mula sa Twitter ni Allan Diones.

Joke? Half-asleep ka nang ginawa mo iyon G. Ilustre?

Hindi kami mga bobo at tanga. Sa lahat ng ayoko, yung ginagawa akong bobo at tanga.

Pero sino ba naman kami para hindi magpatawad? Tinatanggap namin ang paumanhin mo bagamat hindi ka pa humihingi ng dispensa sa mga kasambahay at kay Maine Mendoza. Binasa namin ang paliwanag mo kahit hindi mo ito sa amin direktang itinugon at sa halip ay ipinadaan mo lamang kay Allan Diones.

Uusad (move on) kami mula sa gusot na ginawa mo pero hindi namin kalilimutang dahil sa iyong ireponsibilidad at kawalan ng foresight sa maaaring maging implikasyon ng mga ikinilos mo, e pinagsabong mo ang mga fans, ininsulto mo hindi lamang si Maine kundi ang mga kasambahay, at higit sa lahat, gumawa ka ng isang bagay na lubos na ginagamit ng mga mapang-abuso para libakin si Maine at ang ALDUB Nation.

Mag mo-move on ako mula sa gusot na nilikha mo, G. Rich Ilustre, direktor ng SPS, nang may pagsasaalang-alang sa responsableng paggamit ng socia media at impluwensya. Hindi dapat kalimutan ang ginawa mo. Hindi ako magmo-move on para lang makapag-move on.

Sa mga kapwa ko tagahanga ng ALDUB–good vibes ang gusto ninyo? Alalahanin sana natin na habang pa-good vibes good vibes tayo, may mga fans na piniling gawin ang ayaw gawin ng marami–ang humarap sa mga basher, abuso, at malalaking tao para lamang maidepensa at manatiling disente ang imahen ng ALDUB at ALDUB Nation.

Kay Ginoong Rich Ilustre, Direktor ng Sunday PINASaya

tfs

Huling post ko ito ngayong gabi bago ako mag-signoff (dahil isasampay ko pa ang mga nilabhan ko at maghahain pa ako ng hapunan).

Ginoong Ilustre:

Magiging tapat ako sa iyo. Sa ngayon, hindi ko kayang pagtiwalaan ang paghingi mo ng tawad. Ipaliliwanag ko kung bakit.

Kaming mga nandito sa ALDUB Nation, ang mga ALDUBriela, mga Barako, Lakambini, ALDUB Protectors, ALDUB Hydra, atbpang maliliit at malalaking grupo ay tulung-tulong, bagamat hirap na hirap sa paglipol sa mga bashers, bastos, manyak, walang modo, atbpa sa Twitter na walang-habas na nililibak ang aming paboritong artista, ang aming cultural icon na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nang itatag namin ang ALDUBriela, nangako kaming sa anumang legal na paraan at sa kaninuman, aming ididepensa si Maine Mendoza at ang ALDUB Nation. Sa pamamagitan ng aming organisadong pagkilos at ng pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa cyber-bullying at internet harrassment, sinisikap naming maipaabot sa mas maraming tao ang kahalagahan ng responsableng paggamit ng social media.

Pero ano itong larawan na lumitaw–ang aso mong si Maxim naka-costume bilang ‘Yaya Dub’–ano ‘yan? Alam mo bang yan ang pinaka notoryus na larawang ginagamit ng mga bashers pambabastos at pang-aabuso sa social media? Nakakadismaya (at nakakapanggalaiti) na sa iyo pa pala nagmula ang larawang iyan?

Malinaw na ginawa mong joke o katuwaan ang imahen ni Yaya Dub at ng mga kasambahay sa pamamagitan ng pagbibihis ng iconic na costume nito sa iyong alagang aso. ALDOG? Tsk tsk.

Mahirap ibalik ang tiwala, Ginoong Ilustre. Tila wala kang pakialam. At wala kang respeto.

-TFS

Sa Pinagpipitaganang Direktor ng Sunday PINASaya na si Rich Ilustre

Magandang araw!

Nawa’y nasa maayos kang kalagayan habang binabasa ang bukas na liham na ito mula sa isa sa mga tagahanga ng ALDUB, ni Maine Mendoza, at tagasubaybay ng Eat Bulaga, KalyeSerye, at Sunday PINASaya.

Mula nang umere ang Sunday PINASaya, naging bahagi na ito ng lingguhang gawain namin, ng aking pamilya. Aliw na aliw ako sa mahusay na pagganap nina Aiai delas Alas, Jose Manalo, Wally Bayola, Jerald Napoles, atbp. sa bawat sketch/segment na dinidirehe ninyo. Siyempre, bilang masugid na tagahanga ng ALDUB, pinakasinusubaybayan ko ang mga segment ni Alden Richards na Chef Boy Next Door at DJ Bae. At para malubos ang aking pagsuporta, masigasig din akong nakikilahok sa pagti-tweet. Masaya akong nakikipagkuwentuhan at nakikipagpalitan ng kurokuro hinggil sa mga bagay na nagustuhan namin sa inyong palabas.

Kaya naman lubos ang aking pagkadismaya nang makita ang tweet na ni-like mo:

rich ilustre

 

Aaminin ko, bilang isa sa mga tapat na tagahanga ng ALDUB, at lalo na ni Maine Mendoza, nasaktan at nainsulto ako sa ginawa mo, Ginoong Ilustre.

Hindi lamang si Maine Mendoza ang iyong ininsulto kundi ang milyun-milyong mga tagahanga niya na karamihan ay mga karaniwang manggagawang Pilipino, mga kasambahay at DH na marangal na naghahanap-buhay upang maitawid ang kanilang pamilya sa gutom at hikahos.

Oo, hindi ikaw ang mismong nagpaskil ng tweet na nasa itaas. Pero ang mismong pag-like mo sa tweet na ito ay kasingsakit lang din ng aktwal na paglathala ng tweet na iyon.

Biro man o hindi, sinasadya man o hindi, ininsulto, nilibak, at minaliit mo hindi lamang si Maine Mendoza kundi ang milyun-milyong kasambahay/DH sa buong mundo, Ginoong Ilustre. Ikaw na nasa poder, kilala sa iyong larangan, at kinikilala ng marami, ay tila hindi nagdalawang-isip na sang-ayunan ang mapanlibak na komento sa pamamagitan ng pag-like rito. Sana’y nilimi mo muna ang magiging implikasyon ng iyong pagla-like bago mo ito ginawa.

Karaniwan, kapag may mga basher na nang-iinsulto at bumabastos sa sinuman sa ALDUB at sa ALDUB Nation, amin itong sinusuri at pagkatapos ay ipinapa-report at block sa mga kapwa namin tagahanga upang hindi na kumalat pa ang iresponsanbleng paggamit ng social media. Pero dahil ikaw ay hindi karaniwang personalidad, ikaw ay aming bibigyan ng pagkakataon.

Sa puntong ito, kung hahayaan ako ng ALDUB Nation na magsalita para sa kanila, igingiit ko na magbigay ka ng mahusay na paliwanag kung bakit mo nagawang insultuhin si Maine Mendoza at ang mga kasambahay/DH/manggagawang Pilipino. Kaugnay nito, mariin kong iginigiit na humingi ka ng dispensa sa publiko at mangako ka na sa susunod, bago ka magpaskil o mag-like, ikaw ay mag-iisip ng ilang beses at iyong isasaalang-alang ang damdamin at kapakapanan ng ibang tao.

Sa kabila nito, patuloy akong manonood ng Sunday PINASaya bilang suporta kay Alden Richards at sa mga kasamahan niya sa trabaho na kung tutuusin ay mga paborito ko ring artista. Ngunit hindi na muna ako gagamit ng anumang hashtag na may kinalaman sa Sunday PINASaya. Personal na desisyon ko ito. Dapat mong maunawaan na sa pagkakataong ito, hindi lamang si Maine Mendoza ang aking idinidepensa kundi ang mga karaniwang Pilipinong nagbuhos ng panahon, puhunan, lakas, at damdamin para sa ikatatagumpay ng ALDUB at ng mga proyektong may kinalaman sa kanila o sa sinuman kina Alden Richards at Maine Mendoza.

Umaasa kami sa inyong positibong tugon. Maraming salamat.

 

Lubos na gumagalang,

Mik/The Filipino Spectator/@thefilipinospec