Ang Kahungkagan ng Pag-ibig na Nalalaman ng Nagmamakatang si Rogene Gonzales

tula-rogene gonzales
Ang screengrab na ito ay ipinadala ng isa sa mga tagasubaybay ng The Filipino Spectator.

Alinsunod sa payo ng aking mga kasama at kaibigan sa ALDUB Nation, hindi ko na dapat pansinin itong ipinadala sa akin ng isa sa mga tagasubaybay ng The Filipino Spectator. Pero nang malaman kong dating lider pala ng College Editors’ Guild of the Philippines itong si Ginoong Rogene Gonzales, at naging estudyante pa ng Unibersidad ng Pilipinas, napag-isip-isp kong hindi dapat palampasin ang pagkakataong sagutin at/o tunggaliin ang sinabi niya sa kanyang tula (mababasa sa itaas). Bilang lider-aktibista, siya dapat ang unang makauunawa sa pulso at panlasa ng masa. Hindi niya dapat basta-basta hinusgahan ang masa. Pero tila taliwas ang kanyang pagkaaktibista sa sinasabi niya sa kanyang tula.

Bago natin usisain ang ubod ng tula ni G. Gonzales, basahin muna natin ang literal niyang sinasabi. Sa tulang “Hindi na lamang ako iibig,” tila kausap ng persona ang madla, at ang kanyang deklarasyon, “Hindi na lamang ako iibig/ kung ang ipa-iibig lamang ninyo sa akin/ ay tungkol sa pagsasalubong ng mga tauhang likhang-isip/ o tungkol sa kabaliwan ng kanilang pagdadaupang-labi sa TV./” Bagamat di direktang sinabi, madaling mauunawaan ng sinuman na ang tambalang ALDUB (Alden Richards-Yaya Dub) ang pinatutungkulan rito. Hindi na lamang daw iibig ang persona na para bang pilit na pinatatanggap sa kanya ang ALDUB. Hindi na lamang daw siya iibig na para bang mayroong pumipilit sa kanya na magustuhan at/o mahalin ang tambalang napiling mahalin ng maraming mga Pilipino dito at sa ibang bansa.

Dagdag pa ng makata, “Hindi lang iyan ang kaibig-ibig -/ marami pa ang higit na kaibig-ibig/ lalo na sa mga sandaling ito/ na yumayabong ang pangarap ng mga katutubo/ ngunit kinakatay silang tila baboy ramo.” Sang-ayon naman ako sa persona sa pagkakataong ito–na marami pang iba riyan ang maaaring higit na kaiibig-ibig–maaaring ito ay ang mga magulang mo, ang babae/lalaking napili mong ibigin habampanahon, ang sarili mo, o kahit sino/kahit ano. Gaya ng sinabi ko kanina, walang pumipilit sa sinuman na magustuhan ang tambalang ALDUB. Nauunawaan naming mga tagahanga ng ALDUB kung bakit hindi sila nagugustuhan ng ibang tao.

Ang bahagi ng tula na hindi katanggap-tanggap para sa akin ay ito: “At ayaw kong lamanin ng aking dibdib/ ay kilig sa oras ng dalamhati’t galit/ kaya’t hindi na lamang ako iibig/ kung ang ipa-iibig lamang ninyo sa akin/ ay tungkol sa pagsasalubong ng mga tauhang likhang-isip/ o tungkol sa kabaliwan ng kanilang pagdadaupang-labi sa TV.//” Para sa akin, hindi dapat pagbanggain ang pag-ibig/pagmamalasakit sa ALDUB at pag-ibig/pagmamalasakit sa kapwa. Kukunin ko ngayon itong pagkakataon para maglinaw: hindi porke masugid kaming nagpapahayag ng suporta sa mga paborito naming artistang sina Alden Richards at Maine Mendoza, ay awtomatiko nang nangangahulugan na wala kaming pakialam sa mga mahahalagang nangyayari sa ating lipunan (tulad ng malubhang militarisasyon sa kanayunan, dislokasyon ng mga katutubo, at pagmasaker ng militar at ng estado sa mga nagtataguyod ng karapatang pantao). Kaming mga tagahanga at tagasuporta ng ALDUB ay mayroong nakukuha o natatanggap mula sa ALDUB na hindi namin nakukuha o natatanggap mula sa mga elitistang intelektuwal na kagaya mo, G. Gonzales.  Sa pananaw naming mga tagahanga (na mula sa iba’t ibang seksyon ng lipunan–maralitang tagalungsod, manggagawa, mala-manggagawa, mga estudyante, at mga propesyonal dito sa iba pang mga bansa sa buong mundo) na araw-araw sumasabak sa kahirapang ginawang normalisado sa lipunang malakolonyal, may kakayahan ang ALDUB (at ang KalyeSerye) na una, gawing sariwa uli ang palasak at nabubulok na konsepto ng pag-ibig, at ikalawa, gawing makapangyarihan ang kilig–emosyong madalas ay binabalewala ng mga makata at nagmamakatang katulad ni G. Gonzales kung mag-isip. Kaunting pag-asa–iyan! Iyan ang nahihita namin sa pagsubaybay sa ALDUB.

Ang kahirapang nararanasan ng mga katutubo sa kanayunan ay hindi malayo sa kahirapang araw-araw naming (natin) nararanasan. Hindi kaila sa amin ang nararanasan ng mga Lumad pagkat ito ay araw-araw din naming almusal. Ang mga balang bumaon sa katawan ng lider-aktibistang Lumad ay siya ring balang unti-unting pumapatay sa amin–iyon nga lang, ito ay dumarating sa amin, hindi sa porma ng bala, kundi sa iba’t ibang anyo ng kahirapan–VAT, E-VAT, talamak na korapsyon sa gobyerno, mataas na presyo ng langis at mga batayang bilihin, underemployment, unemployment, kontraktwalisasyon, kakapusan sa pangmatrikula, mga balikbayan box na pinakialaman ng Customs, at iba pa—mahaba ang listahan.

Kaya tatanungin kita, G. Gonzales, tutal ay nahusgahan mo na rin lang kami, ikaw, nagmamakata, nagpapakaaktibista–ano ang kaya mong ibigay sa amin? Paano mo mahahamig–kaming milyun-milyong tagahanga ng ALDUB, kaming masa kung iyo ay tawagin–paano mo kami mahahamig kung ngayon palang ay inilalaglag mo na kami?

One thought on “Ang Kahungkagan ng Pag-ibig na Nalalaman ng Nagmamakatang si Rogene Gonzales

  1. orvin

    Rogene Gonzales is no poet. he is an immature non-creative poet lover. he shows no sign of ability of creating a good product on the craft he chooses to endure.
    his poem is no big deal for me because he has no taste in words.
    good poet is acclimating and stylist.

    But still i will give some of my insights.

    “Hindi nalang ako iibig” is a direct evidence of his disagreement to Aldub.
    Note: you can not feel the love Aldub has if your heart is full of anger. ( Rogene’s heart maybe is…:( ) We can not tell!

    Jealousy in some point was seen, if you are to scrutinize the words “Kung ang ipa-iibig nyo lamang sa akin…” adding “hindi lang iyan ang kaibig-ibig” would mean a silent no, to what his heart says yes!
    You know that thing cAlled DENIAL?! 🙂
    Note: Jealousy is disease which may lead one early to grave.

    But, Rogene maybe is an economist who prioritizes more in economic situation which hinder him to see the beauty of life and of love portrayed in the Kalyeserye of EB.

    In contrary, economist are social individual, they are looking the good values of life in the society. they are not protagonist!

    So, what maybe Rogene is?

    Oh, Rogene, before we’ll let other to do the same, let us clean our own gunk first.

    Kalyeserye is not easy to do and for me, to copy it in whatever form of modification is an act of steeling.
    Try to do a kalyeserye of your own, for sure no one will patronize it.

    i still have so much to tell but of course i don’t want Rogene to fell pity for himself.

    Well to end this, one quote is what i want him to understand, “haters are silent liker”

    I love Aldub.
    and no one can stop me!

    Liked by 2 people

Leave a comment